Mark Lester 's posts with tag: photography

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag photography
Blog EntryCrayon Forum for kids of Quirino AvenueMay 3, '08 12:42 AM
for everyone

 

"Enweys, gusto ko lang sana kayong yayain na magvolunteer sa isang writing workshop para sa mga batang nakatira sa ilalim ng tulay.  Sila ay part ng community ng ATD Fourth World check out their site http://www.atd-fourthworld.org/. Di pa namin naseset ang exact date pero malamang Sabado gaganapin to. 

 

Karamihan sa mga batang 'to yung mga namamalimos sa kalye, di makapag-aral kasi walang pera ang mga magulang.  Karamihan sa kanila ang daming galis sa katawan kasi hindi naarawan at nakakaligo kasi yung perang pampaligo nila nilalaan na lang nila sa pagkain nila.  Karamihan sa kanila yung mga batang madudungis na iniiwasan natin sa kalye. 

 

Ang ATD ang isang movement na tinataguyod na magkaroon sila ng dignidad kahit na mahihirap sila.  Madami silang volunteers na nagbibigay ng mga arts and crafts workshops sa mga bata.  Iba't ibang forums naman para sa mga magulang nila. 

 

Hindi pa daw sila nagkakaroon ng writing workshops.  Nakakapanghinayang kasi nung minsang naobserbahan ko ang mga batang kasama sa community nila sobrang creative magdrowing.  Malaki ang chances na hindi pa lang natatap ang imagination nila.

 

Sa ngayon, tatlo pa lang kaming nagcoconfirm dito sa workshop na to.  Pagmimeetingan pa namin ko pano ang modules at kung pano ito ipiprisinta sa mga batang gutom sa kaalaman.  Pero nakapagdesisyon na kami na sa buwan ng Mayo namin gagawin ang event.

 

Kaya hinihikayat ko talaga kayo na tumulong.  Di kailangan na writing workshop din kayo.  Puwedeng arts and crafts.  Puwedeng photography.  Puwedeng basahan niyo sila ng libro.  Puwedeng kahit ano.  Di naman tayo magtatagal.  Isang oras lang naman yun.  Sa may Pandacan o sa kalye dun sa may Quirino Avenue (lugar ng mga holdaper, hehe).

 

Puwede rin namang perang pangmeryenda ng mga bata at gamit para sa workshop (ayan kinakapalan ko na mukha ko). 

 

Sa mga interesado, puwedeng puwede niyo akong i-email: rnavarra@gmail.com.  Puwede rin sa e-mail na ito.  Sa ngayon puro mga kaopisina ko pa lang ang nayaya ko.  Pero iwewelcome rin kayo ng mga batang to. 

 

Salamat!!!"

 

 --Ruth

 

 

--------------------------------------------

 

 

redmark says: Makibahagi tayo, volunteer na!

 


Start:     Jun 12, '08


ArtPetron 7 National Student Art Competition exhibit, Petron MegaPlaza, Makati City, August 28, 2007

LinkPhotoWorld ManilaJun 27, '07 8:51 AM
for everyone
Link: http://www.photoworldmanila.com

the official webpage of the Federation of Philippine Photographers Foundation...

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Sam Royama All rights reserved.