ayos pala ang pasig river pag B&W... mukha syang malinis... astig! pero da best parin ang pag bbike mo... hehehe 
may maganda akong balita, isang huling proyekto ni mayor atienza ang pagsasaayos ng pamilihan ng quinta. ito ang mabaho at magulong pampublikong palengke sa gilid ng quezon bridge. bukod sa pagtatayo ng isang mas modernong istruktura, isinama na rin ang pagbubukas ng pedestrian access node ng quezon bridge sa magkabilang bahagi ng tulay.
ibig sabihin, kung nasa tulay ka mismo, hindi mo na kailangang lakarin at bumaba pa sa pinakadulo ng tulay sa may plaza miranda. maari ka nang dumaan sa pedestrian node derecho palabas ng bagong tayong palengke. ibig sabihin, mas aksesibol sya ngayon. at may isasaayos din na riverside park sa tabi at ilalim ng tulay. feeling brooklyn hehehe