Lunes alas tres ng madaling araw, walang magawa ang malambot na higaan sa talim ng kuko na bumabaon sa balat ng aking kamalayan.
Mariin ang aking pagkakapikit. Pilit inaaya ang panaginip. Marahil sa kanyang kanlong pansamantala akong matatahimik.
Dama ko na maiiba ang simoy ng Paskong hangin. Subalit ayaw kong bumitaw sa sarili kong panig at dagling kumapit sa patalim.